header image
 

Emba dreams

“Kuya, hindi ba ikaw yung naka-highlights dati?”

“Oo.”

“Alam mo po, lagi ka naming pinapansin. Tsaka din po yung ibang tao, lagi kang napapansin.”

 

May mga bagay na ngayong college ko lang talaga napagtanto at narealize. Meron din naming mga rediscovered bullshit na nakaipit sa sulok ng utak ko.

 

Yung ideyang ang college life ay isang malaking party.

… na magkakaron na ko ng laya ngayong college.

… Embassy dreams.

… na magkakaroon ako ng barkadang parang DorStepAlJi ule.

 

Nung hayskul, sobrang excited ako mag-college. Inisip ko na magiging sobrang laya ko na. Party-party, mga ganun. Ang naalala ko pa ngang tingin sakin ng iba noon eh ako yung “party people” na tipo ng tao, laging gimik, punta dito, punta dun. Sosyal ba, ‘dong. Kabalo man mo ug akong gisabi?

 

Basta ayun.

 

Tapos ngayon, na-realize ko na di pala ko bagay sa mga ganung klaseng bagay. :P

 

No, I am not bitter… nor defensive. In fact, I am happy.

 

Hindi ako yung taong pang-sosyalan, siguro dahil na rin sa mga iba’t-ibang problema na aangat kapag sinubukan kong lumebel.

 

Baka nga naman mapahiya lang ako pag sinubukan ko yung mga ganung bagay.:P Syempers, ayoko ng ganun.

 

 

 

Mas bagay lang siguro talaga sa taong tulad ko ang pagtambay sa skool. Kaibigan at oras lang ang kelangan, masaya ka na.:))

 

La lang. Walang mai-blog.:P

~ by monstrothesisationalism on November 29, 2008.

Leave a Reply