header image
 

Ayown.

Ayown. Ang oras ngayon habang tinatype ko ‘to ay 11:28PM. Dec. 7, 2008.

 

Ayown. Linggoday ngayon. Kakauwi lang naming ng mabuti kong pamilya from JalibiBiBi na 24/7 open pala. Nakita ko pa si Angelo Padodo.

 

Ayown. Kanina, nanalo nanaman si Pacqiao laban kay De la Hoya. Yun ang unang laban ni Pacquiao na sinubaybayan ko talaga. Ang gandang balita diba? Masaya lahat. tapos…

 

Ayown. Magandang pambungad ng Showbiz Central. Patay na si Marky Cielo. Hindi ko alam kung dapat ba kong magmura ng malakas o maski kahit anong magandang gawin para makalimot ako sa katotohanan. Mangiyak-ngiyak, nanghihinayang, naiinis, nashock, natameme, natulala, nautal, napamura sa sarili ko – lahat yun naisip at nainternalize ko habang nakikinig sa balitang patay na si Marky. Oo, patay na nga si Marky Cielo na dating StarStruck contestant lamang. Of all the famous people na pwedeng mamatay, bakit sya pa diba? Sayang, peyborit ko pa man din yun. Di ako super fan pero natutuwa ako sa kanya kasi ang galing nya sumayaw. Oh well.. he’s dead. May his soul be blessed na lamang. Still, malungkot pa rin. Iba talaga pag Kapuso ang namamatay.:((

 

Ayown. Nanuods kaming Twilight. Ok naman sya. GUSTO KO UMULIT. Salamat sa Twilight, panandalian kong nakalimutan na patay na pala si Marky Cielo. Pero syempre, malungkot pa rin.:((

 

Ayown. Nakakagatong pa sa kalungkutan yung fact na ______________________________________________________________________… Akin nalang yung reason na yun. Hehe.:)\

 

Lahat-lahat… malungkot talaga. Hindi ako maka-get over sa mga bagay-bagay. Tsk.

++

This is a late post. I wasn’t able to surf the net that night.

~ by monstrothesisationalism on December 8, 2008.

Leave a Reply