Director’s Note… Blog. Ewan? Joseph the Dreamer shit lang ‘to.
Wala rin naman atang talagang makapagbabasa nito dahil wala nga namang nagbabasa ng blog ko. Ang makabasa, magcomment nalang.:P
Eto ang director’s note na gagawin ko nalang blog dahil alam ko namang hindi ‘to maliligaw sa isang souvenir program na hindi naman mapa-publish.
Sa totoo lang, pakiramdam ko there’s no need for this kind of shit. Sadyang maarte lang akong tao. Pero itutuloy ko nalang din.
Ang storya ng Joseph the Dreamer ay isang biblical story of hope and all that shit. Una kong nabasa yung storya nun nung elem palang ako at ang first idea ko ay baliw na tao si Joseph.
Fast forwards sa ngayon, ang storya ng Joseph the Dreamer ay isa na sa mga pinakamagandang storyang alam ko. Magaleng diba? Bigla akong naging biased. HAHA.
Tama na ang kalokohan.
Hindi ko inakalang ang play na’to ay matutuloy pa. Akala ko naglolokohan lang kame parehas ni mam Narida. After nung excerpt na ipinakita nung 27th Foundtaion Day ng Sta, di ko naisip na matutuloy pa ‘to. Kasi naman kulang-kulang sya sa suporta ng tao.Tapos biglang January na. Kasabay ng paghanap ko kay Lennon, pinipilit ko ring tulungan si Joseph sa mga pag-interpret nya ng dreams. Blahblahblah.
Di ko inakalang magagawan ng paraan lahat ng problema. Di ko inakalang kaya ko pala gumawa ng ganito. Di ko inakalang susuportahan pala ko ng mga tao. Di ko inakalang kayang-kaya pala ng cast ko.
Hindi naman ako nawalan ng pag-asa sa cast ko. Sadyang pestimistiks person lang ako. Kaya ayun, I end up discouraging them. Pero sa loob-loob, alam ko namang kakayanin nila. Kelangan lang talaga nila ng motivations. At dahil jan, siguro kelangan ko silang pasalamatan. (read : mahaba-haba ‘to)
Sa Joseph KO, hindi ko inakalang makakatrabaho kita ng ganito. Sa totoo lang, asiwa ako sayo nuon dahil pakiramdam ko snobbish shit ka. Hindi naman pala, dahil ikaw ay isang mabait at mabuting bata.:) Congrats, Lorenzow. Nakakatuwa lang na ganyan ka – matalino ka na, talentado ka pang bata. Ipagpatuloy mo yang professionalism mo. Yan yung ugali mong pinaka-gusto ko. At passionate ka pa. Yehesss, puring puri ka, gago, HAHAHA.
Sa Narrators KO, Sharahgirl at Arielles, sorry kung binabastos ko na yung mga pangalan nyo ah. HAHAHA. Peyborits ko kayooooooooooooooo! Wahaha, biased na, sorry. Tama ako sa ginawa kong hindi pagbitaw sa inyo. I think enough na yung pagsabi ko na peyborits ko kayo. Andun na siguro lahat ng gusto kong sabihin.:D
Sa eleven evil brothers (with JACOB) KO, loko kayo, ang hirap at ang saya nyong turuan. HAHAHA. Bold talaga sa hirap? Ewan, ang kukulit nyong lahat, ang sasarap nyong pag-untigin pare-parehas, kahit na binabalahura ko kayo at binabalahura nyo rin ako pabalik. Pakiramdam ko kayo rin ang isa sa mga talagang nagpabenta ng palabas. Galingan nyo! Lalo na kila _______, _______, _________, _________, at ________. May ganyang blind item talaga? HAHA. Biro lang, syempre pantay-pantay kayo. Dahil nga magkakapatids tayo. WEH. Hehe, may ganung panapos na shit talaga?
Sa dancers KO, alam ko madalas kayo yung inaaway at kinukulits ko. Sorry. Hehe. Gusto ko lang naman kasi na maayos yung mga sayaw nyo. Nataon na maayos naman kayong lahat kaya ok lang.:) Naniniwala akong may ibubuga pa kayo, hindi lang mga ganoong sayaw. Magagaling naman kasi kayo, mga nahihiya lang talaga.:P
Sa Bakers and Butlers KO, ang sarap nyong panuorin mag-rehearse na kayo lang.:D Ang sipag nyong dalawa at gusto ko kayo magtrabaho. Nafi-feel ko na talagang gusto nyo yung ginagawa nyo. Ipagpatuloy lang yan.:) si Kim, ikaw, marunong ka, konti pa, pwede na.
Sa Potiphar KO, Jolo peyboriiiiiits! HAHA, biased na ule, sori ha? HAHA. Ikaw bata ka, kahit na may mga oras na topak ka, kahit na binabastos mo ko at sinasalbahe mo ko at lahat-lahat, ikaw pa rin ang isa sa mga agaw-eksenang karakter sa buong cast. Kung nag-aantay ka ng masasabi kong maganda eh wag ka na umasa. Bwahaha, apir. Biro lang yun. Magaling ka, Jolo, at alam kong may mga mas kaya ka pang gawin. Weh, pa-deep na ko. HAHA.
Sa Potiphar’s Wife KO na biglang naging Tinderang agaw-eksena din, parehas kayo ng asawa mo, mga papansin. BWAHAHA, ikaw kasi nahihiya ka pa. Magaling ka, pero kulangs pa. Wag ka kasing mahiya dahil maganda ka namang babae ‘no.
Sa Pharaoh KO, kapatid! Alam mo, kahit na parang ikaw na yung pinaka-kinakawawa ko sa cast, ok lang yan. Hindi na kita masyadong binibigyang pansin dahil alam kong marunong ka. Alam ko namang magaling ka eh. Kaya nga tayo magkapatid eh. AHAHA, laki na ulo oh. Biro lang.:D pero pramis, magaling ka talaga. Minsan, control lang sana sa galaw dahil minsan awkward ka. Apir.
At sa pogi at sikat KO na merchant na sinisigaw ng bayan ang pangalan, “NGOOOOOOOOOO!!!” hahaha, ang sarap mong pag-tripan. Nakakaasar nga lang dahil masakits ka na sumuntok minsan, at nagiging agresibo ka bigla.:P Mag-aral kang magtagalogs ng maayos! Nyahaha.:)
Sa Co-directorslashSMslashwardrobestaffslashmakeupslasheverythingelse kong si Nashee na karamay ko sa mga nakakalokong pinapagawa samen nina mam Narida, hello! HAHA, mabuhay tayo dahil tayo ay mga dakila! Ala na, ala nakong masabe, parate naman kasi tayong nagkaka-usaps ‘no.:P
May sasabihin sana ako para kay mam Narida pero wag na.:P Nakakatamad eh. Sasabihins ko nalang siguro o ano.
Ayun, sobrang bitin ako sa play. Palihim kong winiwish na magkaron ng part two.:DD
Hindi muna ako maggu-goodbye. Gusto ko pa ng encore eh. Til the next show nalangs.:D
Tapos na ang play. Ngiting kampyon ang lahat.
Sabi ni ate Loves sakin: “Kaya mo na! Pwede ka na.”
Ang sarap pakinggan. :))

siraulo ka pala ehh
ewan said this on September 23, 2009 at 5:47 am